Mister nagbigti dahil sa selos

WINAKASAN ng isang mister ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti dala ng matinding pagseselos, iniulat Huwebes, Pebrero 17.

Kinilala ang biktima na si Arnel Orolfo, 36, ng 200 Gen. Ricarte st., Brgy. San Juan, Cainta, Rizal.

Lumilitaw sa imbestigasyon na ika-8 ng umaga nitong Miyerkules nang makita ang bangkay ng biktima na nakabitin sa isang puno malapit sa kanyang bahay gamit ang pantali sa manok na panabong.

Lumalabas na matinding panibugho sa kanyang misis ang dahilan ng biktima.

Nagbigti ang biktima nang sabihin ng kanyang misis na lagi umano siyang inaaway ng biktima sa hinalang mayroon siyang ibang lalaki.  Jun Ferrer

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply