Mister nagtangkang sunugin ang sarili

NAGKAGULO ang isang barangay sa Navotas matapos muntik sunugin ng isang mister ang kanyang sarili sa loob ng kanilang bahay dahil sa hirap sa buhay, Miyerkules ng umaga, Pebrero 9.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso si Norman Clemente, 40, ng M. Naval st., San Roque, nasabing lungsod.

Nabatid na dakong 10:00 ng umaga, galing ang biktima sa Bulacan at nang makauwi sa kanilang bahay ay malungkot na nagkulong sa kwarto.

Tinangka ng asawa ng biktima na si Lourdes na kausapin si Norman subalit ayaw siyang papasukin ng huli.

Kasunod nito ay narinig si Norman na nagsisigaw ito dahilan upang tumawag ng barangay tanod ang mga kapitbahay.

Naabutan ng mga tanod si Norman na basa na ng gas ang katawan at may hawak na lighter.

Dahil dito, agad na dinampa ng mga tanod ang biktima bago pa man masindihan ang sarili. Rene Manahan

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply