Mister wasak ang mukha sa suntok ng welder

WASAK ang mukha ng isang matandang lalaki matapos upakan ng dating kaalitan na may suot na “four finger”  sa Brgy. Dampalit, Malabon City, iniulat Linggo, Pebrero 6.

Ang biktima ay namatay habang ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng malakas na suntok at pagkabagok ng ulo sa semento na kinilalang si Noel Rima, 56, ng 8 Cansio st., Merville subdivision, Brgy. Dampalit, nasabing lungsod.

Ang suspek na agad naaresto at nahaharap sa kasong homicide ay si Enrile Santos, 37, welder, ng 4 Esperitu st., Dampilit Malabon.

Sa imbestigasyon, 5 ng hapon nitong Sabado nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Diaz, st., nasabing lugar.

Sa salaysay ng anak ng biktima na si Joseph, naglalakad ang kanyang tatay nang makasalubong ang galit na galit na suspek  at inupakan ang kanyang ama habang suot ang “4 fingers.”

Dahil sa lakas ng pagkakasuntok ay nawasak ang mukha ng kanyang ama at nabagok pa nang tumama ang ulo sa semento.

Agad dinala ang biktima sa pagamutan pero makalipas ang tatlong oras ay binawian din ng buhay. Roger Panizal

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply