Misyon ni Roy Cimatu sa Egypt kinansela

KINANSELA na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang misyon ni Special Envoy Roy Cimatu sa patungong Egypt.

Pero nilinaw ni DFA Assistant Secretary Eduardo Malaya na walang kaugnayan ang pagkakasangkot ni Cimatu sa anomalya sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagpapa-uwi sa dating hepe ng sandatahang lakas ng bansa.

Maalala na inatasan ni Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo ang retired general na tumuloy ng Egypt mula sa kanyang misyon sa Afghanistan, para tingnan ang kalagayan ng 6,000 Filipino na naiipit sa kaguluhan sa nasabing rehiyon.

Ayon kay Malaya, pinabalik na ng bansa si Cimatu dahil mayroon nang sapat na tauhan ang Philippine Embassy sa Cairo para tugunan ang pangangailangan ng mga kababayan doon.

Binanggit pa ng opisyal na noong nakaraang linggo pa umano isinagawa ang assessment kaugnay sa lakad ni Cimatu.

Sa naunang pagdinig ng Senado hinggil sa multi-million peso fund anomaly sa AFP, idinawit ni dating retired military budget officer Lt. Col. George Rabusa si Cimatu na umano’y tumanggap ng P80 million “pabaon” sa kanyang pagretiro noon.

Si Cimatu ay kabilang din sa ipinatatawag ng Senate Blue Ribbon Committee, House Committee on Justice at special investigating team ng Department of National Defense, para magbigay ng kanyang panig kaugnay sa kinasasangkutang iskandalo. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply