Misyunaryo ng El Shaddai natagpuang patay

ISANG babaeng misyunaryo ng Catholic charismatic group na El Shaddai ang natagpuang patay sa kanyang bahay sa Isulan, Sultan Kudarat, Linggo ng umaga, Pebrero 6.

Sinabi ni Region XII Police Regional Director Chief Superintendent Gil Meneses na tama sa ulo na dulot ng paghampas ng matigas na bagay ang naging sanhi ng pagkamatay ng biktimang si Marivic Vistor.

Nasa tatlong araw na aniyang patay ang biktima nang matagpuan ng kanyang mga kamag-anak sa tinutuluyan nitong bahay sa Leonora Homes Subdivision, Barangay Sampao, Isulan, Sultan Kudarat.

Inihayag ni Meneses na may ilang gamit at pera ang nawawala sa biktima kaya isa sa nakikitang motibo ay pagnanakaw.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply