MMDA gagayahin ang Singapore

PURSIGIDO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na gayahin ang bansang Singapore sa pagpapatupad ng kalinisan sa buong Kalakhang Maynila.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, ang Singapore ay isa sa mga bansang maituturing na disiplinado pagdating sa kalinisan kung ikukumpara sa kalinisan sa Metro Manila.

Dahil dito, naging inspirasyon ni Tolentino ang kalinisan sa Singapore at itutulad nito ang Metro Manila.

Ito ay kasunod na rin ng kautusan mula kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa MMDA at sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na gawing malinis ang mga kalsada sa Maynila tulad sa naturang bansa.

Dahil dito, sinabi ni Tolentino na isa itong magandang panukala ngunit kailangan muna nito makipag-ugnayan sa mga alkalde ng mga lungsod at bayan sa National Capital Region, DENR, at iba pang mga ahensiya na maaring makatulong sa pagpapalinis ng Metro Manila.

Matatandaan na nagpakalat na ang MMDA ng environmental enforcers para sa mahigpit na implementasyon ng Republic Act (RA) 9003 o ang Ecological Solid Waste Mangement Act of 2000.

Pinatupad din ng MMDA Regulation No. 96.009 at ang Anti-Littering Ordinance, kung saan umabot na sa 21,000 ang nasampolan at hinuli. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply