MMDA kabalikat ng pulis sa selebrasyon ng ‘Edsa’

TUTULONG ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko sa darating na ika-25 anibersaryo ng Edsa People Power Revolt sa Pebrero 25, 2011.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, aasiste sila sa 5,000 pulis at event organizer na magpapatupad ng traffic re-routing scheme sa mga piling lugar malapit sa selebrasyon.

Ayon pa kay Tolentino ang mga traffic aide na ipakakalat ay maglalagay ng kaukulang signages upang mabigyan ng tulong ang mga motorista para dumaan sa alternatibong ruta

Sinabi naman ni Director Nicanor Bartolome, hepe ng  National Capital Regional Police Office (NCRPO), na inatasan na niya ang kanyang mga district director na makipag-ugnayan sa mga raliyistang magsasagawa ng anumang kilos protesta sa nabanggit na araw.

“Foot and mobile patrols, fixed visibility and checkpoints, and the motorized anti-street crime operatives… will be deployed in strategic locations around the metro,”ayon kay Bartolome.

Pinayuhan din ni Bartolome ang publiko na huwag magdala ng maraming bagahe upang hindi maabala sa mga  pinaiiral na checkpoint sa iba’t ibang lugar sa malapit sa pangyayarihan ng selebrasyon. Johnny F. Arasga/Amor Virata

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply