MMDA traffic enforcer sibak sa extortion

SINIBAK sa kanyang tungkulin ang isang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraang makunan ng litrato at mailathala sa isang dyaryo ang pagtanggap ng suhol buhat sa isang motoristang sangkot sa “self-accident” sa Pasig City.

Inihayag ni Chairman Francis Tolentino na ang pagsibak kay Rodelio Sison, miyembro ng MMDA Road Emergency Group, makaraang makita ang litrato nito habang tumatanggap ng pera buhat sa  motoristang si Vinsent Escobar.

Sa ulat ng MMDA, nasangkot sa sariling aksidente si Escobar nang bumangga ang pulang Ferrari sports car nito sa center island ng Ortigas Avenue sa Pasig City.

Tumanggi umano na makipagkooperasyon si Escobar sa mga tauhan ng MMDA kung saan nagpakilala na kaanak ng isang heneral at tumangging ipahatak ang kanyang sasakyan.

Sa lumabas na litrato, nakita ang pag-abot ng pera ni Escobar at ang pagtangap ni Sison kung saan nakitang hawak nito ang ilang tig-P1 libong pera.

Nanawagan naman si Tolentino sa mga motorista na tanggalin na ang ugaling manuhol sa traffic enforcers upang mabura na ang kultura ng korapsyon sa kalsada dahil sa panunukso sa kanilang mga tauhan. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply