MNLF hiniling na isali sa peace talks

IGINIIT ng isang mambabatas na isali ang Moro National Liberation Front sa peace talks sa Moro Islamic Liberation Front kung talagang nais maresolba ang kaguluhan.

Ayon kay Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon, chairman ng House Committee on National Defense and Security, importanteng huwag isantabi ang opsyon ng  pagkonsulta sa MNLF habang  nakikipag-usap na sa MILF dahil kung hindi matatanggap  ng MNLF ang napag-usapan  ay magiging sanhi rin ito ng kaguluhan.

Matatandaan na noong Nobyembre 2010, sinabi ng Central Committee ng MNLF sa House Committee on Peace, Reconciliation and Unity na sinibak na ng  MNLF si Nur  Misuari bilang kanilang pinuno.

“Who will the MILF now accept as MNLF representative? They need to unite and agree on this to totally resolve the conflict in the ARMM,” ani Biazon.

Iminungkahi ni Biazon  sa Philippine government  na  humingi ng tulong  sa  Organization of Islamic Countries para maresolba ng katanungan kung sino ang magiging kinatawan ng MNLF.

“We cannot say that only the MNLF could represent the Bangsa Moro people because the MILF is also there. It is necessary that the two groups come together so we could find a solution to the peace problem in Mindanao,” dagdag pa ni Biazon.

Sinabi ni  Biazon na hindi niya masisisi ang MNLF  kung sasama ang kanilang  kalooban kung hindi sila  kasali sa peace talks. Beth Aragon

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply