MNLF isama sa peace talks

IGINIIT ng chairman ng  House  committee on national defense and securty na isama ang Moro National Liberation Front (MNLF) sa  peace talks sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) kung talagang gustong maresolba ang kaguluhan.

Ayon kay  Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon, importanteng huwag isantabi ang opsyon ng pagkonsulta  sa  MNLF habang  nakikipag-usap  na  sa  MILF dahil  kung hindi  matatanggap ng MNLF ang napag-usapan ay magiging  sanhi rin ito ng kaguluhan.

Noong Nobyembre 2010, sinabi  aniya ng  Central Committee ng MNLF sa House committee on peace, reconciliation and unity na sinibak na ng MNLF si Nur Misuari  bilang kanilang  pinuno.

Dahil dito, iminungkahi  ni  Biazon  sa  Philippine government  na  humingi na ng  tulong  sa  Organization of Islamic Countries (OIC) upang  maresolba  ang  katanungan kung  sino ang magiging kinatawan  ng   MNLF.

Sinabi rin ni Biazon na  hindi niya masisisi  ang  MNLF  kung  sasama  ang kanilang  kalooban  kung  hindi sila  kasali  sa  peace talks. Beth Aragon

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply