Mocha Uson, humahanay kina Sarah at Charice

PARANG  kung kailan lang, may pelikula nang muli ang aktres at mang-aawit na si Mocha Uson, ang lider ng grupong Mocha Girls na sobrang popular dahil pumapang-apat sa dami ng mga nag-la-log in sa kanilang website.

Alam ba ninyong kumukuha pa ang Mocha Girls ng mga tagasubaybay kahit na ang mga kalaban nito’y sina Charice Pempengco, Sarah Geronimo o Jovit Baldivino?

Lumalaban sa katanyagan ang Mocha Girls nang dahil din sa kapangahasan ni Mocha. Nang dahil dito ay kinuha siya ni John Castillo, ang nakababatang kapatid ng beteranong direktor na si Celso Ad. Castillo sa isang pelikula.

At hindi lang Filipino ang prodyuser ng obra kundi isa ring Malaysian na mahilig sa pagpapalago ng industriya ng pelikula sa Asya.

***

Hindi maisalarawan ang kasiyahan ni Mocha nang kunin siya ni John sa “Crazy Idiots” o sa Filipino’y “Seksing Masahista.”

“It’s an honor for me na maging bida sa isang pelikula at ang kapatid pa ni Da Kid ang direktor at that. Sino ba naman ako para gawing bida pero here’s a person who trusted me a lot,” pahayag ni Mocha.

Isang Jaochim Hon ang prodyuser ng pelikula at ang katulong na direktor ni Castillo ay si Z. Lokman.

Hindi nga ba’t si Celso ang unang direktor na Filipino na naghawan ng paggawa ng pelikulang pinagtutulungan ng Pilipinas at Malaysia. Sa “Pikoy” unang nagsanib ang Pilipinas at Malaysia sa produksyon ng pelikula.

Ang katambal ni Mocha sa kanyang ikalawang pelikula ay si Zyruz Imperial na alaga ng peryodistang pampelikulang si George Vail Kabristante.

***

Samantala, nawawala ang digital camera ng Lara Films nang mag-shooting ito sa Meycauayan, Bulacan kamakailan ng pelikulang “Law Law Gang” sa direksyon ni Joel Apuyan mula sa line producing ni Marlon Damaso at sa produksyon nina Aida at Rolly Martinez.

Ito ang iniulat ng bantog na litratistang si Felix Magat. “Tito Boy, kagabi, nawawala ang digicam na ipinahiram lang ni Direk Leo Martinez. Naroon lahat ang kuha sa shooting. Sigurado, tanggal ako sa trabaho gawa sag alit sa akin sa pagkawala ng camera,” pahayag ni Magat sa kanyang text message.

Hanggang ngayon ay hindi pa nakukuha ang kamera. “Pero may suspect na ako. Kailangan lang na may ebidensiya. Mahirap na ang magbintang nang walang ebidensiya,” wika ni Felix.

Itinatampok sa pelikula bukod kay Leo sina Vincent Daffalong, Hero Bautista at Brownie Pansalin.

Kung noon ay kasama si Long Mejia, pinalitan na siya ni Pekto. “Masyadong maraming ginagawa si Long kaya pinalitan siya.”

***

Tagumpay naman ang “Ernie Garcia…Loving You” ng Grand Monaco Estate Developers, Inc. sa Eastwood Richmond Grand Ballroom na tinampukan ni Ernie Garcia.

Punumpuno ang lugar at nang-agaw ng eksena sina Marissa del Mar at Bobby Valle.

Pero matindi ang partisipasyon ni Mark Anthony Carpio na isang miyembro ng banda. Malayo ang mararating ni Mark Anthony at suportado siya ni Ernie. Boy Villasanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply