Modus operandi ni alyas Neriza Santos

MAY babala ang aking kaibigang si retired  Sergeant Antonio ‘Tony’ Francia, dating miyembro ng Caloocan City Police Force.

Nagretiro ito noong 2003 at ilang taon pa lamang ang nakararaan, kumuha ito ng hulugang van para gawing negosyo.

Sa kanyang negosyong ‘van for rent’, aniya, marami siyang naging karanasan    na masaya at malungkot na ‘di malilimutan, kabilang na ang nangyari noong Disyembre 28, 2010.

May umarkila raw sa kanya na dalawang babae na magaling magsalita kaya kaagad niyang pinagkatiwalaan.

Sa halagang P2,500, nagkasundo si Francia at ng dalawang babae na isa sa kanila ang nagpakilalang si Neriza Santos.

Sinabi raw ng mga babae na sila’y may kukunin o pipik-apin na produkto sa Araneta Avenue, Quezon City.

Ngunit sa 8th Avenue, Caloocan City, biglang bumaba ang dalawa at si Francia na lang ang pinakiusapan na kukuha sa mga produkto.

Dahil nangibabaw ang kaisipan na kumita sa arkila, nanaig ang paniniwala ni Francia sa pakiusap ng mga babae.

Para lalo pang maniwala, iniabot kaagad sa kanya ng mga babae ang P1,000 sa P2,500 na pinag-usapang arkila.

At nangako ang dalawang babae na sa kanilang pagkikita matapos kunin ang mga produkto, ibibigay sa kanya ang kulang na P1,500 na bayad sa arkila.

Ipinadala rin ng dalawa ang isang sobre na naglalaman ng mahigit P400,000 na pambabayad ng dalawang babae sa kukunin niyang produkto.

Pagkatapos ma-pick-up ang mga produkto ay muling tinawagan ng dalawa si Francia para i-deliver ang produkto sa Grace park, Caloocan kung saan doon ibinigay rin sa kanya ang kulang na arkilang P1,500 ng pinagbigyan niya ng dalang produkto.

Ngunit huli na ang lahat nang malaman ni Francia na nagamit na pala siya sa modus operandi na panlilinlang ng mga babae.

Hinuli siya ng pulis at kinasuhan ng estafa, habang ang mga manlilinlang na babae ay ‘di na makita ng awtoridad.

‘Di lang si Francia, kundi marami na palang nabiktima si Neriza Santos sa kanilang mapanlinlang na gawain.-Bong Padua

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply