Mongolia binetlog ng Azkals

TOP trending issue ng Twitter sa buong mundo ang Philippine football team na tinatawag na “Azkals.”

Lumalabas sa naturang site na inabangan sa buong mundo ang laban ng Azkals kontra Mongolia Blue Wolves Miyerkules ng gabi (PH time) sa Panaad Stadium, Bacolod City.

Sa ngayon, naghahanda na ang grupo ng Azkals para sa  ikalawang laro sa AFC Cup laban pa rin sa Blue Wolves na gaganapin mismo sa Ulan Bator,Mongolia.

Magsasanay ang grupo sa Baguio City upang mahasa silang maglaro sa malamig na temperatura sapagkat ang Mongolia na susunod na venue ng kanilang laban ay may malamig na klima.

Hindi pinaporma
Nagpakitang-gilas si left wing Emil Caligdong ng Philippine Air Force sa first half at gayundin si striker Phil Younghusband sa pagsungkit ng Philippine Azkals  ng 2-0 victory laban sa Mongolia.

Si Caligdong ay kumana ng first goal para sa Azkals sa 42nd minute.

Ang midfielder na may bansag na “Chieffy” ay naiwasan ang kanyang defender nang kumana ng first point sa pagitan ng dalawang hita ng Mongolian goalie na nagpalakas ng hiyawan ng mga tao.

Samantala, si Younghusband na dating Chelsea player ay pinanalo ang bansa at winarak ang matinding depensa ng Mongolians sa pamamagitan ng goal na sumelyo ng tagumpay ng Azkals.

Sa panalong ito, lalaban ang Azkals sa nasabi ring grupo at bago sila tutulak doon ay magsasanay muna sila sa Baguio City para malabanan nila ang lamig na gaya ng sa Mongolia . Bineza Zapanta/Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply