Montiel KO sa second round

LAS VEGAS – Tinanghal na bagong WBC/WBO bantamweight champion si Filipino Nonito Donaire Jr., matapos talunin si three time division world champion Fernando Montiel ng Mexico.

Isang solid left hook ni Donaire ang nagbagsak kay Montiel sa oras na 2:25 ng Round 2.

Sa lakas ng suntok, nangisay pa ang Mexican boxer ng bumagsak ito sa laban.

Bagama’t nagawa pa ng former world champion na makabangon, pero mismong ang referee na ang tumigil sa laban.

Una rito, tiniyak ni Donaire na “early knockout” ang aabutin ng kalaban.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply