Montiel may counter sa bagong armas ni Donaire

HANDA umano si WBC/WBO bantamweight champion Fernando Montiel sa ano mang gagawin ni 2-time world champion Nonito Donaire.

Ito ang naging kasagutan ni Montiel sa pahayag ni Donaire na may bago itong armas na gagamitin  sa kanilang pagharap ngayong Pebrero 20 sa Mandalay Bay, Las Vegas, Nevada.

“I had a great great training because I know that I will be facing one of the most spectacular knockout artists around at the moment. Donaire has incredible speed and a good arsenal, but I’m ready for that and more.” Pahayag pa ni Montiel.

Nauna nang inihayag ni Donaire na may bago syang armas laban kay Montiel at ito ay ang bago nyang jab,  na kanyang pinag-aralan sa kanyang training camp, at ito umano ang kanyang gagamitin upang pabagsakin si Montiel.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply