Montiel nabiyak ang panga

SUMAILALIM sa isang reconstructive surgery si Fernando Montiel matapos magkaroon ng “hairline fracture” at “deep dent” sa kanang panga dahil sa matinding left hook na inabot nito kay bagong WBO/WBC bantamweight champion Nonito Donaire sa laban nila noong Linggo, Pebrero 20, sa Las Vegas, Nevada.

Ayon sa ulat, maaring ang fracture na tinamo ni Montiel sa mukha ang pwersahang magpaparetiro sa mahusay ng Mexican pug.

Sa isang interview, sinabi ni Donaire na ipinagdadasal niya na gumaling agad si Montiel at hangad niyang makabangon itong muli at makabalik sa boksing.

“I want to give up two things to God: my win last night and also Montiel’s speedy recovery for his bone fracture and reconstructive surgery. In both moments, only He can help us,” pahayag pa ni Donaire.
Inamin naman ni Montiel na ito ang unang pagkakataon na nasaktan siya ng husto sa laban sa mahigit 10 taon niya sa professional boxer.

“It hurts my pride because I know that it was a single punch that ended the fight. I’m fine, but yes, I’ve never been hurt like that before,” wika ni Montiel.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply