Montiel nangisay sa gulpi ni Donaire

NANGISAY pa si three time world champion Fernando Montiel ng pabagsakin sa round 2 ni Filipino Nonito Donaire Jr. sa kanilang salpukan na ginanap sa Las Vegas.

Gamit ang super left hook na may follow up na right hook, nangingisay-ngisay pa si Montiel ng bumagsak sa lona sa oras na 2:25.

Nagawa pang makatayo ni Montiel subalit sa tindi ng tama at hindi pa nakakarekober mula sa pagkakabagsak ay inawat na ng referee ang laban ng sugurin at patamaan ni Donaire ang Mehikano ng ilang kumbinasyon.

Dahil sa panalo, naagaw ni Donaire ang hawak ni Montiel na WBC/WBO bantamweight crown.

Kahit medyo nahirapan si Donaire na abutin ang 118 lbs limit, tumama pa rin ang kanyang sinabi na tatapusin niya nang maaga ang laban dahil mas mamabilis at mas malakas siya kay Montiel.

Medyo naging personalan ang laban ng dalawa dahil sa patudtsadahan nito bago ang laban kaya sa simula ng round ay gigil na gigil na nagpalitan ng suntok. Sa 2nd round, umatake si Montiel subalit nag-counter si Donaire ng isang left hook na tumama sa panga ng Mehikano na tumapos sa laban.

Sigawan ang mga Filipino fans na nanunuod sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas dahil sa magandang laban na ipinakita ni Donaire.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply