Montiel sumugod na sa Vegas

DUMATING Lunes, Pebrero 14,  sa Las Vegas si three-time world champion and current WBC at WBO bantamweight champion Fernando “Kochilito” Montiel.

Sa nasabing lugar paplantsahin ni Montiel ang gagawin niyang paghahanda laban sa kanyang challenger na si Nonito Donaire.

Ang inaabangang big fight ng dalawa ay gaganapin sa February 19 (20 sa Pilipinas) sa Mandalay Bay Events Center at isasahimpapawid ng HBO.

Nangako si Montiel na bibigyan niya ng kasiyahan ang mga fans at mahihitik sa aksiyon ang kanilang sagupaan ni Donaire.

“I want to give the fans a fight they will remember for a long time,” pahayag ni Montiel.

Magsisimula na sa Huwebes ang fightweek activities kasama na rito ang media workout na idaraos sa Top Rank Gym.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply