Mosley pagrereteruhin ni Pacman

SISIGURUHIN umano ni 8-division world champion Manny Pacquiao na matutulog sa laban si 5-time world champion Sugar Shane Mosley upang ipamukha kay Floyd Mayweather na mas magaling siya dito.

Inihayag ni coach Freddie Roach na idodomina nila si Mosley sa laban na hindi nagawa ni Mayweather ng makalaban niya ito sa labang nagtapos sa unanimous decision.

Sisiguraduhin rin ni Roach na si Pacquiao ang unang boksingero na magpapabagsak kay Mosley sa laban nila sa Mayo 7 sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada.

“Kahit pareho ang mga nakalaban nina Pacquiao at Mayweather, impresibo naman ang ipinakita ng Pinoy kaysa kay Floyd kagaya ng pasukuin nito si Oscar De La Hoya sa loob ng walong round, samantalang split decision naman ang panalo ni Mayweather dito,” wika ni Roach.

Tulog sa loob ng dalawang round si Ricky Hatton kay Pacman samantalang inabot pa ng 10 rounds bago napabagsak ni Mayweather ang Briton.

Obama maghahanda para kay Pacman

Magarbong private at exclusive na luncheon ang inihanda nina US President Barack Obama at First Lady Michelle Obama para sa pagdalaw ni boxing superstar at eight-division world champion Manny Pacquiao at misis na si Jinkee sa White House.

Gaganapin ang historic na pagkikita nina Pacman at unang American black president na si Obama sa Main Building ng White House sa Washington, DC.

Batay sa ulat, bago magkita sina Pacman at Obama, makikipag-usap muna ang Pinoy boxer kay Sen. Harry Reid na ikinampanya nito noong nakaraang taon sa Las Vegas.

Si Pacquiao ang kauna-unahang Pinoy athlete na makikipagkita sa “pinakamakapangyarihang tao” sa buong mundo.

“Excited na kaming maka-usap si Obama,” ani Manny at Jinkee.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply