Mosquito OL trap system kit tugon sa pagsugpo ng dengue

PINANGUNAHAN ngayon ng Department of Science and Technology (DOST) ang ‘kick-off’ ng pamamahagi ng Mosquito Ovicidal/Larvicidal (OL) trap system  Balyuan Convention Center , Tacloban City.

Ayon sa talaan ng Department of Health (DOH), ang Leyte ang may pinakamataas na bilang ng mga kaso ng dengue sa nakalipas na taon dahil sa walang puknat na pag-ulan.

Dinebelop ng Industrial Technology Development Institute(ITDI)-DOST ang mosquito OL trap system, isang simpleng teknolohiya na makatutulong para maibsan kundi man masugpo ang paglaganap ng  babeng lamok, Aedes aegypti,  na nagdadala ng dengue virus.

Ayon sa DOST, sa pamamagitan ng naturang teknolohiya, pinapatay nito ang mga itlog ng lamok na kumapit sa magaspang na piraso ng  lawanit ng naturang trap.

Sa isang video demonstration, ipinakita ng ITDI ang bumubuo sa nasabing kit: isang ordinaryong  itim na lata o tumbler, isang piraso ng  lawanit board na may sukat na 1 x 6.5 x ½ inches, at natural pellets.  Naaakit ng pellets ang babaeng lamok, ang  Aedes aegypti, na mangitlog sa magaspang na piraso ng  lawanit na nakababad sa natural solution. “The solution then kills the eggs and larvae”, ayon sa ITDI-DOST, ang developer ng teknolohiya.  Ang solution nito ay gawa mula sa herbal plant o halamang gamot at walang side-effect maging sa kabataan.

“This activity starts the ball rolling for our technology initiatives in curbing dengue,” ayon kay DOST Sec. Mario  Montejo.

“This is a very innovative technology to help solve a serious problem,” pahayag naman ni DOH Secretary Enrique Ona, na katuwang ng DOST sa paglulunsad ng naturang programa.

Umabot sa 2,800 kits ang naipamahagi ng DOST sa Leyte sa mga bahay na napatunayang pinamumugaran ng lamok.  Gagamitin ang naturang OL trap sa mga kabahayan sa loob ng  6 na buwan at kokolektahin ito pagkatapos para mabatid kung gaano kaepektibo ang naturang teknolohiya sa lugar.

Ang DOH, bilang katuwang sa proyektong ito ang nakipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para kilalanin ang mga bahay na lumahok sa paglulunsad.

Ang DOST, sa pamamagitan ng ITDI ay nakatakdang mamahagi ng 200,000 mosquito OL Trap kits sa bansa.  Bawat bahay na kalahok ay makatatanggap ng 4 na kumpletong sets ng  OL trap kit at 6 na buwang  supply ng  organic OL trap pellets.

Nagtalaga din ang DOST ng 2,800 kits para sa bawat 17 rehioyon kasama ang Autonomous Region in Muslim Mindanao, maliban sa  National Capital Region (NCR) na makatatanggap ng 5,200 kits dahil sa mataas na bilang ng mga kaso ng  dengue.

“This shows that the government is really bent on reducing the number of dengue cases in the country,” dagdag pa ni Montejo.  “In fact, the DOST is in synergy with the Department of Health, both agencies are working very hard in coming up with solutions to fight dengue.”

Nabatid na naging positibo ang resulta ng ginawang laboratory at field testing ng parehong proyekto sa magkasabay na paglulunsad nito sa NCR, particular sa  Marikina at Quezon City noong 2010. .

Samantala, hinikayat ni Sec.  Montejo ang mga komunidad na makilahok at suportahan ang proyekto.  “This is our fight, we hope that in the end we can overcome the dreaded virus that has put many into sufferings and mourning.”

Naniniwala naman si Tacloban City Mayor Alfred Romualdez na napakahalaga ng edukasyon sa pagsugpo ng paglaganap sa dengue.

Umapila din si Gov. Carlos Jericho Petilla sa mga resident eng lalawigan na magkapit-kamay sa pagpapakalat ng mahahalagang impormasyon ukol sa sakit na dengue.  Sinusugan din nito ang pahayag ni Romualdez na mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na impormasyon ukol sa isyu.

Daan-daang Leyteñons, kabilang ang mga kinatawan mula sa karatig lalawigan ang sumaksi sa  pamamahagi ng  OL Trap.  Linda Bohol

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply