Most wanted MNLF member arestado ng NBI, PA

NALAMBAT ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine  Army ang dating miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) na sinasabing most wanted criminal sa Lanao Del Norte, iniulat Miyerkules, Pebrero 23.

Kinilala ang nadakip na si Casan Tomawis, 55, alyas “Kumander Kubla”, ng Balo-I, Lanao del Norte.

Sa ulat ng NBI at Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) sa Balo-I, Lanao Del Norte, si  Tomawis na dating miyembro ng  MNLF ay kasama sa most wanted criminal sa Lanao del Norte.

Ayon kay  NBI Director Atty. Magtanggol Gatdula, napag-alaman sa NBI Iligan District Office (ILDO) na si Tomawis ay may tatlong warrant of arrest para sa kasong murder, kidnapping at robbery.

Napag-alamang si Tomawis ay nasa ilalim ng panunungkulan ng isang  Commander Bayabao, kaya matapos maaresto  ay agad siyang dinala  sa provincial jail ng Lanao del Norte. Rene Crisostomo

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply