Mosyon ng Ombudsman na papabor sa kalayaan ni Garcia pinababawi

PINABABAWI ng isang miyembro ng House Committee on Justice ang mosyon ng Ombudsman para sa Sandiganbayan hinggil sa pag-apruba ng plea deal kay dating military comptroller, retired  General Carlos Garcia na akusado sa pagnanakaw ng P303-milyon mula sa pondo ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Cavite Rep. Elpidio Barzaga, may sapat ng  ebidensya  ang  Ombudsman upang lalong idiin sa kasong plunder si Garcia matapos na isalang ito sa pagdinig ng Kamara at Senado.

Humiling  kasi  ang  prosekusyon  mula  sa  Ombudsman  sa  Sandiganbayan  na  tanggalin na ang  pormal na kautusan sa plea bargain at payagan na si  Garcia na makapagpiyansa at pansamantalang makalaya matapos na makapagbayad ng piyansang umaabot sa P60,000.

“Our sense is, the Ombudsman now has more than enough evidence to pin down the accused for the crime of plunder,” ayon kay Barzaga na mahigit 20 taong naging prosecution lawyer.

Hinikayat din ni Barzaga ang Ombudsman na gawing ebidensya ang mga sworn statements ng mga bagong witnesses sa affidavit form upang lalong madiin si Garcia sa kasong plunder.

Tulad na lamang aniya ng testimonya ni dating military budget officer, retired Lt. Col. George Rabusa, na mula sa  tinapyas na  pondo ang kanyang  ibinigay kay Garcia na kanyang nakatataas na opisyal noon.

Sinabi ni Rabusa na P160-million ang ibinigay ni Garcia na farewell cash gift kay Diomedio Villanueva nang siya  ay magretiro  bilang  Armed Forces chief of staff  noong 2002.

Ang mga iba pang chiefs of staff ay nakatanggap  din ng  multimillion-peso sa kanilang  pagkaka-upo  pa  lamang  sa  pwesto at  sa kanilang pagretiro, ayon pa kay  Rabusa.

Maging  ang  testimonya  ni Col. Antonio Lim, dating deputy budget officer at  aktibo pa rin sa serbisyo  ay pinatotohanan  din ang  sinabi ni Rabusa sa Senate Blue Ribbon Committee at  sa House Committee on Justice.

Ang testimonya rin ni dating  state auditor Heidi Mendoza na kanyang nadiskubre ang bank and  financial transaction na direktang nag-uugnay kay Garcia sa mga sistematikong dibersyon ng pondo ng militar. Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply