Mosyon ni Lacson sa CA haharangin ng mga Dacer

KUKWESTIYUNIN ng pamilya ng yumaong publicist na si Bubby Dacer sa Court of Appeals (CA) ang kahilingan ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na ideklara ng korte na pinal na ang pagppawalang-saysay ng arrest order laban sa kanya.

Sinabi ni Demetrio Custodio, legal counsel ng pamilya Dacer, na maghahain sila ng opposition sa mosyon ni Lacson dahil ang desisyon aniya ng CA Special Sixth Division ay hindi pa maituturing na “final and executory.”

“We’re submitting within this day an opposition to that motion saying until the resolution of the Court of Appeals is final and executory, it doesn’t have the effect of lifting the warrant of arrest and/or the dismissal of the information filed against Senator Lacson,” ani Custodio.

Si Custodio ay kasama sa ginanap na case conference Miyerkules sa Department of Justice (DOJ) upang talakayin ang mga susunod na hakbang matapos iabswelto ng CA si Lacson sa Dacer-Corbito double murder case.

Kasama rin sa pulong kahapon ang mga piskal na may hawak sa kaso at ang mga abugado mula sa Office of the Solicitor General (OSG).

Samantala, maghahain rin sa CA ng hiwalay na motion for reconsideration  ang OSG. Maging ang abugado ng testigong si Cesar Mancao ay maghahain ng mosyon sa korte upang manghimasok na sa nakabimbing kaso sa CA.

Iginiit ni Custodio na hindi man lamang tinalakay ng korte ang mga argumentong iprinisinta ng pamilya Dacer.

Samantala, inakusahan ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Mancao, ang CA ng pagiging biased pabor kay Lacson.

“Now more than ever, we strongly feel this division is biased in favor of Senator Lacson. It has trampled upon the rights of my client in its hasty and unwarranted accommodation in favor of Lacson. We seek to correct this and exhaust all legal remedies starting today in order to protect the interest of my client,” ayon kay Topacio.  Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply