Motorista naaaksidente sa hukay at tambak ng DPWH

INIULAT sa atin ng isa nating kaibigan na grabe ang mga disgrasya sa Maharlika haywey.

Ang Maharlika haywey ay ang 510 kilometrong kalsada mula sa Bulacan hanggang sa Aparri, Cagayan.

Ayon sa nasaksihan at nakalap ng ating kaibigan, ang mga nakamotorsiklo ang karaniwang nadidisgrasya.

Sa gabi sila naaaksidente dahil sa napakasamang istayl ng Department of Public Works and Highways sa pagtrato sa mga motorista.

Nakita mismo ng kaibigan natin ang napakaraming hukay at panambak na walang ilaw at walang warning signs.

May warning signs ang iba pero hindi makita dahil hindi reflectorized  at nasa gilid mismo ng mga hukay.

Bago ka makapagpreno, nadisgrasya ka na.

Ang tanging mga proyekto na may mga taong tumutulong sa mga motorista na umiwas sa disgrasya ay sa Sta. Fe, Nueva Viscaya.

Yung mga nasa Isabela at Cagayan ang mga delikadong lugar.

oOo

Sa buong magdamag na biyahe ng ating kaibigan, apat na disgrasya ang kaniyang nadaanan.

Isang biktima ang  kumikisay-kisay at tila naghihingalo sa kalsada habang naka-siyut ang kanyang motorsiklo sa hinukay na kalsada sa parteng Isabela.

Sa Lallo, Cagayan naman, tila nabalian ng buto sa pigi si Engineer Joseph Cabalbag, propesor ng Cagayan State University, dahil sa pagsemplang niya sa isang panambak ng DPWH. Nasira rin ang motor niya.

Walang ilaw sa lugar at wala ring warning sign na naging sanhi ng disgrasya.

Ayon sa mga tao sa lugar, gabi-gabi na lang na may mga disgrasya dahil sa mga bagong hukay at panambak na walang anunsyo at walang kaukulang warning sign.

DPWH Regional Director Eugenio Pipo, Jr., huwag mong antayin na ikaw ang madisgrasya riyan!-Rey Briones

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply