Mr. Diamond at Durango hinatid ni jockey Raquel sa meta

KUMAYOG ng dalawang panalo si class A rider Fernando “Dunoy” Raquel noong Martes ng gabi sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite.

Unang ginabayan ni Raquel ay ang liyamadong si Mr. Diamond sa race 2 subalit mas naging exciting ang pangalawa nitong ipinanalo na si Durango.

“Outstanding kasi si Mr. Diamond pero dito kay Durango ay far second choice siya ang sarap kasi ng pakiramdam kapag tinatalo mo ay mga liyamdong kabayo.”masayang sabi ni Raquel.

Nanalo si Mr. Diamond sa 1,600 meter race ng Class Division 8 habang 1,300 meter race ng Class Division 2 race naman nagwagi si Durango.

Samantala, muntik masilat ang top favorite na si Ansila sa naganap na Special Class Divisions 13-B-A. Halos nguso lamang ang pagitan ng bumanderang tapos na si Ansila sa nasegundong si Formal Entry na ginabayan ni star jockey Jonathan B. Hernandez.

“Medyo bumalagbag yung takbo ni Formal Entry sa huling 100 metro pero naiayos ko agad kaso nabitin pa rin kung nagtuloy-tuloy sana baka nanalo kami ng kalahating kabayo.” saad ni Hernandez.

Nakapagtala ng tiyempong 1:19.6 sa distansyang 1,300 meter race si Ansila na sinakyan ni class A jockey Kelvin Abobo.

Tumersero sa laban si Katipunera habang pumang-apat si Exquisite.- Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply