MR. FU, bagets molester like John Lapus?

BIGLANG nabago ang tingin ng ilang reporters kay Kean Cipriano. Dami kasi ng nega na nababasa tungkol sa Calla Lily member pero nang makausap nga ng press sa launching ng Sunday Block ng TV5, naiba nga ang imahe ni Kean. Wala ‘yung lagi naming nababasang attitude kuning kuning nito.

Kean joins other teen stars of TV5 in a new Sunday variety show na Fantasik along with two other shows, Pinoy Samurai and Lucky Numbers. This show is going to premiere on February 27.

But of course, sinamantala namin ang pagkakataon by asking Kean to clear several controversial matters sa kanila ni Alex Gonzaga.

Alex kasi was very vocal in saying na kahit na gusto niya si Kean, kailangang tuparin niya ang bilin ni Mommy Pinty na iwan muna’ng lovelife at sa career mag-concentrate.  Kean was very frank in saying na all is well naman daw siya between Alex at sa pamilya niya.  “Nanood po ng gig ng Calla Lily ang mother niya, nagkita kami at and she wished me well. Ako naman, I respect them.  Isa pa, Alex and I are just friends, no more, no less.

Sa ngayon merry go round ang sitwasyon ng Fantastik dahil pinagsama-sama ang mga mag-e-ex doon. May asiwa factrr tiyak sa grupo nila.

“Masaya po, basta, we can handle it well, past is past, ang importante is the respect we have for each other.”

More or less, napahalakhak din si Danita Paner when asked about the situation.  Dati kasi sila ni Kean at parang sila na ngayon ni JC. Sina Alex naman at Kean more or less ganun din at si Arci dati naman ni Kean. Free fror all talaga ang dating, hindi po ba?

Sa Pinoy Samurai naman, very vocal din si Mr Fu. Ask anything, he has a truthful answer. Basta wag lang tungkol sa kanyang gay personal life.  “Wala po talaga, I wish meron, ihanap mo nga ako,” biro pa niya.

Nang tanungin siya tungkol sa tsismis ngayon kay John Lapus, tungkol sa isyung pangha-harass ng mga bagets, Mr. Fu has this to say.  “I have been in the same boat, di ba ako, natsismis na ganyan, but it’s not true.” Okey lang naman. Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply