Mrs Ligot, ex-AFP officials, sinubpoena sa ‘pabaon’

IPAGPAPATULOY sa Huwebes, Pebrero 24, ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa korapsyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos magpalabas ng subpoena ang komite.

Iniulat ni Sen. Teofisto Guingona III na pinadalhan ng subpoena si Mrs. Erlinda Ligot, kabiyak ni dating AFP Comptroller, ex-B/Gen. Jacinto Ligot upang magbigay linaw sa multi-milyong dolyar na deposito nito sa ilang bangko kabilang ang 10 house and lot sa US.

Ipinatawag din ng komite ang isang Edgardo Yambao, sinasabing kapatid ni Mrs. Ligot upang magbigay linaw sa pagkakasangkot sa forfeiture case na nakasampa sa Ombudsman hinggil sa hindi maipaliwanag na yaman ng kaanak.

Nagbabala naman si Guingona na kung hindi dadalo at muling iisnabin ni Mrs. Ligot ang subpoena na ipinadala ng komite, mapipilitan ang Senado na magpalabas ng warrant of arrest laban sa kanya.

“Nais lamang natin malaman kung katotohanan ang aming impormasyon na nagmamay-ari siya ng ilang mamahaling house and lot sa US,” giit ni Guingona.

Bukod kay Ligot, nagpalabas din ng imbitasyon ang komite kina Secretary Leila de Lima ng Department of Justice, mga dating AFP chief of staff, Lt. Gen. Efren Abu, mga dating AFP comptroller na sina Ligot, Major General Carlos F. Garcia AFP (Ret.), whistle blower  at dating budget officer Lt. Col. George Rabusa (AFP Ret.), Lt. Antonio Ramon Lim,  Sec. Voltaire T. Gazmin ng Department of National Defense, B/Gen. Benito Antonio de Leon, AFP Chief MFO MGen. Hilario Atendido, M/Gen. Epenito Logico, Col. Gilbert Gapay, Col. Philip Vicencio at kasalukuyang AFP Chief of Staff Lt. Gen. Ricardo David Jr., AFP.

Dadalo rin sina Special Prosecutor Atty. Wendell E. Barreras-Sulit, Atty. Vicente Aquino Executive Director, Anti-Money Laundering Council Ms. Alicia Valderama-Torres Bank Officer, Mr. Generoso del Castillo Jr., dating Chief Accountant, AFP Atty. Guillermo Carague, dating chairman ng COA at Mr. Raul Flores Former Commissioner, COA Ms. Heidi Mendoza Former COA Auditor Col. Abraham Bagasin Dating  Deputy Budget Officer Capt. Kenneth Paglinawan PN Former Chief, ISAFP Major Tomas Donato Comptroller, ISAFP Major Roy Devesa Capt. Emerson Angulno, dating Deputy Budget Officer Capt. Ernesto Paranes Dating r Special Disbursing Officer, ISAFP Lt. Col. Romeo Mateo Col. Rafael Lleno (PA) Atty. Edith Santos Chief Accountant, AFP Atty. Joffre Gil C. Zapata Division Executive Clerk of Court 4th Division, Sandiganbayan Commission on Audit (COA) Chairman Atty. Reynaldo Villar COA, Chairman Maribeth de Jesus Resident Auditor, DND, Noel Jacob Resident Auditor, at Divina Cabrera dating Resident Auditor, ISAFP. Ernie Reyes

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply