Mrs. Ligot nasa ospital

NAGKAROON ng dahilan si Mrs. Erlinda Ligot, kabiyak ni dating AFP comptroller Jacinto Ligot upang hindi makadalo sa pagpapatuloy na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa pabaon system sa AFP matapos isugod sa Veterans Memorial Medical Center.

Tanging si Gen. Ligot at abogado nitong si Atty. Rafael Zialcita ang dumalo sa pagdinig kanina, Huwebes Pebrero 24, saka nagbigay ng katuwiran na hindi maaaring dumalo si Erlinda dahil tumaas ang presyon ng dugo at nahihilo ang kanyang kliyente.

Sa kanyang statement, sinabi ni Atty. Zialcita na karapatan ng kanyang kliyente na magpadala sa pagamutan lalo na’t nalalagay sa panganib ang kanyang kalusugan dulot ng pagtaas ng presyon at pagkahilo.

Ikinatuwiran pa ng abogado ni Mrs. Ligot na pag-aari nito ang ilang mamahaling house and lot sa Anaheim at Buenpark, sa California na ibinulgar ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada.

Ayon din kay Atty. Zialcita, kahit hindi isinugod sa ospital ang kanyang kliyente, hindi rin ito dadalo sa Senado dahil ani hindi naman nito pag-aari ang mga nasabing house and lot na binabaggit ni Estrada.

Pinag-iisipan pa ni Sen. Teofisto Guingona III kung ano ang susunod na aksiyon ng komite na kanyang pinamumunuan hinggil sa pandededma ni Mrs. Ligot sa subpoena ng Senado. Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply