Mrs. Reyes, di papatawag sa ‘pabaon’ probe

NAGKASUNDO ang Senado na huwag nang ipatawag si Mrs. Teresita Reyes, kabiyak ng  yumaong si dating AFP chief Angelo Reyes hinggil sa isinasagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa talamak na korapsiyon sa militar.

Sa panayam, sinabi ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada na kung siya lamang ang tatanungin hinggil sa kabiyak ng yumaong heneral, hindi na niya ipapatawag si Mrs. Reyes dahil hindi naman imbitado ang naturang balo.

“She was not,” ayon kay Estrada bilang tugon sa tanong kung iimbitahan si Mrs. Reyes

Kinontra din ni Estrada ang pananaw ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na maaaring ipatawag pa ang mga kaanak ni Reyes upang habulin naman ang mga ari-arian na nakulimbat ng dating heneral habang nanunungkulan ito sa militar.

“Sen. Miriam has her own opinion. Kung ako, hindi na siguro,” ayon kay Estrada.

Sinuportahan naman ni Senate President Juan Ponce Enrile ang posisyon ni Estrada na huwag nang ipatawag sa imbestigasyon si Mrs. Reyes.

“Oh well as far as I’m concerned unless there is a very clear and strong and contradicted evidence that the family of Angie had anything to do, with anything involving his activities as COS or secratary  of national defense then I’ll probably put down my foot and say no, do not bring in the family,” giit ni Enrile.

Iminungkahi din ni Estrada na huwag nang isama ang pangalan ni Reyes kabilang ang pamilya nito sa isusumiteng committee report ng Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen. Teofisto Guingona III dahil wala nang lilitisin pa.

“Para sa akin, kung ako lang ang chairman, hindi ko na isasama. Pero isama na sina Gen Ligot, Gen Villanueva at Gen Cimatu. Kung isasama mo si Gen Reyes, sino ang ipo-prosecute mo? Patay na yung tao,”giit ni Estrada.

“Huwag na,” dagdag pa ni Estrada kung isasama din ang pangalan ng pamilya ng yumaong heneral.-Ernie Reyes

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply