Mt Bulusan, nagtala ng 16 na lindol

LABING-ANIM na lindol ang naitala sa paligid ng Mt. Bulusan matapos itong magbuga ng makapal na abo makaraan ang 24 oras.

Ayon sa Philvocs, ang pagyanig na naitala ng 9:12am at 10:27am nitong Lunes ay tinatawag na explosion-type earthquakes.

Ang unang pagsabog umano ay sinabayan ng isang dumadagungdong na tunog na umabot sa Juban, Sorsogon mga10 kilometro mula sa bulkan. Ang unang pagsabog ay nabuga ng makapal na abo na umabot ng 3 kilometro pataas.

Alert Level 1 pa rin ang pinatutupad sa naturang bulkan na kung saan bawal pumasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ).

Pinayuhan din ng Philvocs ang mga piloto ng mga eroplano na iwasan muna ang Mt. Bulusan dahil maaaring makaapekto umano ang abo na binubuga nito sa mga eroplano. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply