Mt. Shinmoedake sa Japan bumuga ng abo at bato, 1 sugatan

TOKYO,JAPAN–Isa na ang naitalang sugatan sa muling pagbuga ng abo at bato ng Mt. Shinmoedake sa Tokyo, Japan, Pebrero 1, mula nang mag-alboroto ito noong nakaraang linggo.

Ayon sa ulat ng lokal na media, muling nagbuga ang bulkan ng gas, abo at mga bato na naging sanhi ng pagkawasak ng ilang establisimyento dito.

Nilagay ng Japan Meteorological Agency sa apat na kilometro danger zone. Dahil dito, inilikas na ang mahigit 1,000 mamamayan na naninirahan malapit sa bulkan.

Kaugnay nito, maraming papasok at papalabas na flights sa Miyazaki sa Japan ang kinansela habang pansamantalang ipinatigil ang serbisyo ng tren at isinara rin ang mga paaralan. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply