Mubarak, bumaba na sa puwesto

KINUMPIRMA ni Egypt Vice President Omar Suleiman ang pagbibitiw sa puwesto ni Egypt President Hosni Mubarak.

Isinagawa ni Suleiman ang pahayag sa harap ng national television na siya namang ipinagbunyi nang libu-libong raliyista na nagpoprotesta na ng 18 araw sa Tahrir Square.

“In these grave circumstances that the country is passing through, President Hosni Mubarak has decided to leave his position as president of the republic. He has mandated the Armed Forces Supreme Council to run the state. God is our protector and succor,” ayon pa sa pahayag ni Suleiman.

Nagsagawa naman ng noise barrage ang mamamayan kung saan umalingawngaw ang mga busina ng sasakyan upang ipakita ang kanilang kasiyahan sa pagbaba sa puwesto ng kanilang lider.

Dahil dito, ikinatuwa naman ni Egyptian democracy advocate Mohamed ElBaradei ang ginawang pagbaba ni Mubarak.

“This is the greatest day of my life. The country has been liberated after decades of repression,” ani ElBaradei.

Namuno si Mubarak sa Egypt mula 1981 hanggang 2011. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply