Mubarak, di na muling kakandidato

TINIYAK ni Egyptian President Hosni Mubarak na hindi na siya muling tatakbo sa halalan na nakatakdang isagawa sa Setyembre, kasalukuyang taon.

Ito ang pahayag ni Mubarak sa pamamagitan ng televised address sa gitna ng isinasagawang kilos-protesta ng mga mamamayan ng Ehipto.

Sa kabila nito, ipinahayag ni Mubarak na hinding-hindi siya bababa sa kanyang puwesto kahit na siyam na araw nang nagsasagawa ng magulong protesta ang kanyang sambayanan.

Pinanindigan nito na hindi niya lilisanin ang kanyang bansa at sinabing sa kanyang sariling bayan siya mamamatay.

“This dear nation … is where I lived, I fought for it and defended its soil, sovereignty and interests. On its soil I will die. History will judge me like it did others,” pahayag ni Mubarak.

Idiniin ng Pangulo na mananatili siya sa nalalabi pa ng kanyng termino kung saan 30 taon na siyang namumuno sa nasabing bansa.

Nilinaw ni Mubarak na walang kinalaman ang nangyayaring kilos-protesta sa kanyang desisyon na hindi na muling tumakbo sa susunod na eleksyon.

“I tell you in all sincerity, regardless of the current circumstances, I never intended to be a candidate for another term,” ayon pa kay Mubarak. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply