Multi-sports event ibibida sa Zambales

SA hangaring makakuha ng mataas na sports tourism market, ang Zambales ay magdaraos ng three-day multisports event mula March 18 hanggang 20 sa Dawal Beach Resort sa Uacon cove, Candelaria, Zambales.

Inaasahan naman na aabot sa 600 participants ang lalahok sa mga competitions gaya ng road cycling, open water swim, ultimate Frisbee, sprint duathlon at triathlon.

Bubuksan ang festival sa March 18 tampok ang 120-kilometer road cycling race.

Susundan naman ito kinabukasan ng tatlong events  sa Dawal beach — ang 2-K open water swim, ang Black Sands Challenge Ultimate Frisbee, at isang sprint duathlon kasama ang 5km run, 30km bike, at 3km run.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply