Muslim timbog sa simpleng traffic violation

NAHAHARAP sa maraming kaso ang isang tubong Maguindanao matapos masita ng mga tauhan ng Manila District Traffic Enforcement Unit dahil sa simpleng traffic violation  sa Quiapo,Manila.

Si Nasser Antok Y Daglok ng 6427 Ninoy Aquino St., Brgy. San Antonio Paranaque City ay kasalukuyang pinipigil sa tanggapan ng Traffic  Bureau sa Port Area, Manila makaraang masita sa simpleng traffic violation.

Ayon sa  ulat nina Sr.Insp. Alfredo Vitan at PO1 Oliver Oliveros kay Chief Insp. Reynaldo Nava, OIC ng MPD-Traffic Enforcement Unit, dakong alas kuwatro, kwarenta y singko ng hapon , namataan nila ang isang kulay puting pick up na Strada (NQG-225 ) sa North Bound  lane ng Quezon Boulevard sa tapat ng dating sinehan  sa Times Theater dahil sa color codding.

Dito na napansin ang plaka na nasa harapan ng sasakyan na commemorative plate na Association of Chiefs of Police of the Philippines (ACPP) na may  petsang 1999 hanggang 2009.

Habang isinasailalim sa interogasyon si   Antok, nakitaan ito ng kalibre 45 baril sa baywang at napag-alaman sa pagsisiyasat na expired ang Permit to Carry ng kanyang baril .Nakitaan din ng papeles ng confidential na ang nakalagda ay  isa lamang umanong sibilyan.

Ddinala ang suspek sa MPD-Sta. Cruz Police Station 3 para sampahan ng kaso.- Rene Crisostomo

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply