MWSS uulanin ng protesta sa water rate hike

INAASAHANG uulanin ng kilos protesta mula sa mga consumers at militanteng grupo ang tanggapan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa Quezon City para tutulan ang pagtataas ng singil sa tubig at ipanawagan ang pagbibitiw sa tungkulin ng  lahat ng Board of Trustees at Chief Regulator ng naturang ahensiya.

Tiniyak naman ng mg grupong lalahok sa rally gaya ng People’s Advocacy for Social Change (PASOC), Socialista, Hukbong Patriotikong Pilipino, UPCA  at ALMA SA TUBIG na mapayapa ngunit militante ang isasagawa nilang pagkilos sa darating na Huwebes, Pebrero 10.

Ayon kay Teddy Brul, spokesman PASOC, hindi makatwiran ang pagtatas ng singil sa tubig na ipapataw ng Maynilad at Manila Water dahil may obligasyon pa sila na hindi nagagampanan kaugnay  sa rehabilitation/construction projects ng Wawa Dam, Laiban Dam at Angat Dam at sa pagpapaayos ng sewerage at sanitation system para kalusugan ng mga consumers.

Sinabi ni Brul na  sa nakalipas na 10 taon ay umaabot sa P5 bilyon ang nasingil  na ng dalawang dambuhalang concessionaires  mula sa consumers sa mga binabayaran nitong Environmental Charge, Maintenance Charge at iba pa.

Sa Pebrero 16 takdang magtaas ng singil sa tubig ang Manila Water at Maynilad dahil na rin sa mabilis na pag-apruba ng MWSS Board of Trustees.  Santi Celario

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply