Naaktuhan sa silid, nobyo ng anak ipinakulong

KULUNGAN ang binagsakan ng isang mangingibig matapos mahuli ng ina ng kanyang nobya sa loob ng kuwarto kasama ang dalagita Biyernes ng madaling araw, Pebrero 11, sa Navotas City.

Hindi akalain ng binata na kinilala ni PO3 Arlene Alvero, hepe ng Women and Children Protection Desk, Navotas Police Station na si Christopher D. Cunanan, 21, ng Marulas, Brgy. 36, Caloocan City na ang pagiging mapusok nila ng nobyang itinago sa pangalang Maria, 16, ang maghahatid sa kanya sa loob ng selda matapos silang maaktuhan ng ina ng huli sa loob ng kuwarto sa bahay ng mga ito.

Sa imbestigasyon ni PO3 Belany Dizon, dakong 3:30 ng madaling araw nang magising ang ina ni Maria dahil sa kaluskos na naulinigan sa loob ng bahay.

Sa pag-aakalang napasok sila ng magnanakaw, ginising ng ginang ang asawa at magkasama silang lumabas ng kuwarto at nag-usisa. Nang walang makitang ibang tao sa loob ay nagpasya ang mga itong magpatuloy sa pagtulog.

Gayunman, habang pabalik sa kuwarto, naalarma ang mag-asawa nang marinig ang kakaibang ingay mula sa kuwarto ng anak.

Sapilitang binuksan ng mag-asawa ang pintuan at dito tumambad sa kanila ang kapwa walang saplot na anak at nobyo nito. Boy San Buenaventura

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply