Nabuking sa pamboboso, binata nagbigti

DALA ng labis na kahihiyan matapos maaktuhan ng kanyang hipag sa ginawang pamboboso sa kanya ang sinasabing dahilan kaya nagpakamatay ang isang binata sa pamamagitan ng pagbibigti sa Caloocan City.

Kinilala ang biktima na si Marlon Aribado, 31, ng 17, Katipunan st., Bagong Barrio, nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon, 5 ng hapon nitong Lunes nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang kwarto na nakabigti gamit ang electrical cord.

Nabatid na bago ang insidente, nagsumbong ang hipag ng biktima na si Janice sa ina ni Aribado hinggil sa pamboboso nito sa kanya habang naliligo.

Dahil dito, kinompronta ng kanyang ina ang biktima na sinasabing dahilan kaya nagawang magpakamatay ni Aribado. Jun Samson

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply