Nagbanggaang tren ng LRT inaayos na

INAAYOS na ang mga tren ng Light Trail Transit-1 (LRT-1) na nadiskaril at nagbanggaan Biyernes ng umaga, Pebrero 18, sa Roosevelt station sa Quezon City.

Sinimulang tanggalin ng mga manggagawa ng LRT Sabado ng umaga ang mga naapektuhang coach sa pamamagitan ng paggamit ng dalawang crane para maiangat ang mga nadiskaril na coaches.

Ayon kay Fernando Cabrera, spokesman ng Light Rail Transit Authority (LRTA), oras na maiayos at mailapat na sa riles ang coaches ay hahatakin nila ito gamit ang utility truck pabalik sa Roosevelt station at pagkatapos ay sa depot sa Pasay City.

Base sa imbestigasyon, isa sa dalawang tren ay magre-reverse ngunit bago pa man iyon ay tumama na ito sa isa pang tren.

Tinatayang nalugi na ng P300,000 ang LRT dahil sa pagkahinto ng operasyon noong Biyernes at ngayong Sabado.

Gayundin ay inaasahang malulugi ng dagdag na P500,000 ang ahensya dahil isang linggong mahihinto ang operasyon ng LRT-1 upang ganap itong maiayos.

Ayon sa DZMM, ang kasalukuyang pag-aayos ay nagdudulot ng pagsisikip ng daloy-trapiko sa kahabaan ng Edsa, partikular sa paligid ng SM City Annex sa Quezon City. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply