Naghamon ng away pinatay

PATAY ang isang gym helper matapos mabaril ng dalawang ulit ng nairitang salarin na hinamon niya ng away sa Barangay Tonsuya, Malabon City, iniulat Martes, Pebrero 22.

Kinilala ang biktima na si Archie Bayud, 22, Phase 1, Lot 4, Paradise Village, Letre Tonsuya sa nasabing lungsod.

Mabilis namang tumakas ang salarin dala ang ginamit na kalibre .38 na baril sa krimen.

Sa imbestigasyon ni P03 Edsel dela Paz, ng Station Investigation Division (SID), 12:45 ng madaling-araw nang maganap ang pamamaril sa isang peryahan sa Phase 1, Letre Tonsuya.

Ayon sa saksing si Lyndon dela Cruz, 15, nakikipag-inuman ang biktima kasama ang kaibigan sa isang videoke sa nasabing lugar nang mang-agaw ng microphone sa isang costumer si Bayud at naghamon pa ng  away.

Dala ng pagkairita ay agad bumunot ng baril ang salarin at pinaputukan ang biktima.

Nang masigurong patay na si Bayud ay tumakas na ang suspek. Roger Panizal

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply