Nagnakaw ng kable ng telepono arestado

NAARESTO ang isang lalaki ngunit nakatakas ang dalawa nitong kasamahan matapos maaktuhan silang ninanakaw ang cable wire ng isang kumpanya ng telepono Huwebes ng madaling araw sa Barangay Dampalit, Malabon City.

Nakapiit at nahaharap sa kasong robbery  at pananabotahe si Michael Santos, 30, binata, at residente ng 56 R. Diaz st.

Pinaghahanap pa ang dalawang kasamahan ni Santos. Hindi pa nakikilala ang mga ito ngunit nabatid na pawang nakatira sa Barangay Dampalit ang mga ito.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Joel dela Torre ng station investigation division, ganap na ika-3:45 ng madaling araw nang  putulin ng mga suspek ang cable wire na pag-aari ng Bayantel.

Base sa salaysay ng saksing si Efren Reyes, 52, tricycle driver, akto niyang nakita sa taas ng poste si Santos na nilalagari ang kawad ng telepono.

Agad ipinarating ni Reyes ang pangyayari sa mga awtoridad ng barangay.

Mabilis namang nagresponde ang mga barangay tanod at agad nabawi ang dalawang pirasong cable wire na may sukat na  limang metro bawat isa.

Nakita rin ang lagaring bakal na ginamit sa pagputol ng suspek.

Ayon kay Edwin Golez ng Bayantel, abot sa 6,000 mga customer ng kumpanya ang naaapektuhan dahil sa pagkakaputol ng nasabing cable wire. Roger Panizal

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply