Nagpapawalang bisa ng kasal komukonti

INIULAT ng pamunuan ng Simbahang Katoliko na bumaba ang bilang ng mag-asawang nagpapawalang-bisa ng kanilang kasal o nullity of marriages sa mga marital tribunal.

Ito’y sa kabila ng dumarami namang mag-asawa na humihingi ng annulment sa mga hukuman.

Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, judicial vicar ng National Appellate Matrimonial Tribunal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), maiuugnay ang patuloy na pagbaba ng bilang ng mga nagpapawalang-bisa ng kasal sa kakaunting matrimonial tribunal sa buong bansa.

Sa kasalukuyan, ani Cruz ay pito lamang ang gumaganang tribunal sa bansa, at ang tatlo hanggang apat sa mga ito ay nakapagreresolba lamang ng dalawang kaso ng mga mag-asawang gustong maghiwalay.

Kadalasang idinudulog sa Church Marriage Tribunal ay may kaugnayan sa personality disorder at gender dysfunction.

Nilinaw din ng obispo na bagamat maraming pari ang nag-aral sa Canon Law sa Pilipinas ay konti lamang ang nais magtrabaho sa marital tribunal dahil sa pagiging masalimuot o “very technical” at gumugugol ito ng mahabang panahon.

Sa kasalukuyan aniya ay may kabuuang 16 archdiocese sa bansa  at bawat isa ay may isang judicial vicar na  mamumuno sa matrimonial tribunals.

Bukod dito, iniuugnay din ang pagbaba ng bilang ng mga mag-asawang naghihiwalay sa pagdami ng mga sumasapi sa grupong Couple’s for Christ na isinusulong ng simbahan. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply