NAIA blangko parin kung paano napuslit ng 3 OFWs ang droga

BLANGKO pa rin ang ang pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA)  kung paano nakalusot ang drogang bitbit umano ng tatlong Pinoy na nahatulang mabitay sa China palabas ng bansa.

Sinabi ni NAIA General Manager Angel Honrado na wala pa siyang natatanggap na anumang investigation report patungkol sa nasabing usapin.

Balak ng NAIA na bumili ng human x-ray scanner ngayong taon.

Ayon kay NAIA general manager, gagamitin nila ang equipment na ito para ma-detect ang organic material gaya ng droga sa katawan ng isang tao.

May kakayahan din aniya ito na ma-detect ang nilalaman ng isang check-in luggage.

Sinabi ni Honrado na malalaman nilang may kakaibang bagay sa katawan ng isang tao o sa bagahe nito kapag nagkaroon ng coloration sa kanilang monitoring screen. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply