Nakaalitan si misis, mister nagbigti

NAAAGNAS na nang makita ang bangkay ng isang mister sa loob ng banyo ng kanyang bahay Huwebes ng madaling-araw, Pebrero 10, nang magbigti matapos makasamaan ng loob ang kinakasama sa Pasig City.

Kinilala ang biktima na si Anthony Pitos Lentejas, 26, pansamantalang nakatira sa 2240 Yakal st. Napico, Brgy. Manggahan.

Nadiskubre ang bangkay ng biktima habang nakaupo sa inidoro, nakapulupot sa leeg ang electric cord.

Ayon sa kinakasama ng biktima na si Ivy Joan Atienza, 25, 1:30 ng madaling-araw nang kanyang makita ang bangkay ng ka-live-in.

Ilang oras aniya bago magpakamatay si Anthony ay nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo na kanyang hinalang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima. Jun Ferrer

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply