Nakapagpatayo ng malaking bahay dahil sa korapsyon

IPAGPATULOY natin ang  pagbubungkal sa mga nagaganap na corruption diyan po sa Naval Base, Sangley Point, Cavite.

Napag-alaman natin mula sa ating source na marami pang projects si Commodore Nestor  Losbanes sa Philippine Navy  na hindi kanais-nais at pondo nila ang umano’y kinurakot nito.

Noong 2010 pa umano naghain ang mga sundalo at mga asawa nila ng petisyon laban sa kanya para maalis siya rito bilang namumuno sa PN pero hindi man lang siya natinag.

Sinabi pa ng source, may bahay umanong ipinatatayo sa Laguna na ubod ng laki  si Losbanes.

Ang mga pinagtatrabaho niya ay ang mga civilian employee ng nasabing base.
Kung tutuusin, kahit heneral pa si Losbanes  ay di niya kayang magpatayo ng malaking bahay kasi maliit lang sweldo niya.

Samantala ‘yung pier sa Naval Base sa Sangley Point  kung  makikita ninyo ngayon ay lumang-luma na. Ganung nung last year lang daw ito ginawa at ang mga nagtrabaho sa Pier ay ang mga sundalo pero ang nakalagay sa papel ay pina-kontrata sa labas.              (ITUTULOY)

Loteng queen ng Nasugbu, pader

Silipin naman natin itong “Loteng Queen” ng Brgy. Talang, Nasugbu, Batangas na si alyas Marina na dating nagpapa-ending. Pader sa dilang pader si Marina kina Nasugbu Mayor Antonio Barcelon at  COP Supt. Antonio Malabanan.

Hindi nagagalaw ang pasugalan ni Marina sa Nasugbu dahil sa hawak siya nina meyor at hepe. Kaya kahit marami nang mga taga-Nasugbo ang nagrereklamo kina meyor at hepe ay dinededma lang ng mga ito.

Hindi ko sinasabi na malaki ang timbre na nakukuha ng mga ito!

oOo

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 0918-9274764, 09266719269 o e-mail sa juandesabog @ yahoo.com.- Johnny Magalona

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply