Nakaposas na kelot lumutang sa creek

NAKAPOSAS pa ang mga kamay at maraming sugat sa katawan ang bangkay ng lalaking natagpuan sa isang creek sa Tondo Manyila, Biyernes ng umaga.

Isinalarawan ni MPD-Homicide Section Chief Police Inspector Armand Macaraeg ang biktima na nasa edad 23 hanggang 26, may taas na 5’4, katamtaman ang pangangatawan at kayumanggi ang kulay.

Base sa report ni SPO3 Benito Cabatbat, ng Manila Police District (MPD)-homicide section, ang biktima ay natagpuan sa Estero De Vitas, dakong 7:55 ng umaga  malapit sa Velasquez-Infanta Bridge, Tondo kung saan nakasuot lamang ng  underware at nakaposas pa ang mga kamay.

Inaalam na ang pagkakilanlan ng biktima.  Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply