Nakipagtalakan sa babae natigbak sa sapak

BUMULUSOK sa kanyang kamatayan ang 21-anyos na lalaki matapos suntukin ng asawa ng babaeng kanyang nakasagutan dahil sa malakas na pagpapatugtog ng videoke Biyerne, Pebrero 4, sa Delpan Bridge, Binondo, Manila.

Nasawi bunga ng pagkabagok ang biktimang si Diony Olivar, 27, helper at residente ng 154 Lavezares St., Binondo.

Nakatakas naman ang suspek na si Rodel Sadodong habang ang misis nito si Shane ay ipatatawag ng Manila Police District-Homicide Section para hingan ng paliwanag.

Natagpuan na walang buhay ang biktima sa ibaba ng tulay ng Delpan dakong alas-kuwatro ng madaling araw. Rene C.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply