Namulot ng basura sa dumpsite niratrat

CAVITE-Binawian ng buhay bunga ng apat na tama ng balang lumagos sa kanyang katawan ang isang basurero matapos pagbabarilin ng isang security guard nang mamulot ito ng basura sa loob ng dumpsite sa Barangay Salawag, Dasmariñas City.

Sa ulat ni PSupt. Gerry Umayao, hepe ng pulisya sa nasabing bayan, kinilala ang biktima na si Roldan Nalimutan Sevilla, 34 anyos, may asawa, scavenger at residente ng Brgy. San Antonio, San Pedro, Laguna. Tumakas naman ang suspek na si Junjun Gloria Garcia, 34 anyos, residente ng Sitio Silangan Barangay Salawag.

Sa imbestigasyon ni PO2 Alex Alovera, namataan ng suspek ang biktima na pumasok sa binabantayang dumpsite upang mamulot ng basura. Sinigawan umano ng suspek ang biktima saka walang sabi-sabing pinagbababaril ang kawawang basurero. Rubie Garcia

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply