Namumuong sama ng panahon namataan

NAMATAAN ang namumuong sama ng panahon sa may Silangang bahagi ng Mindanao kaya makararanas ang naturang lugar ng pagkulimlim at may kasamang pag-ulan.

Ayon sa PAGASA, namataan ang shallow pressure area (SLPA) sa may layong 550 kilometro sa Silangan ng Davao.

Taglay nito ang makapal na kaulapan na sumasakop hanggang sa naturang lalawigan.

Umiiral pa rin ang hanging amihan sa ilang bahagi ng Luzon.

Maglalaroang temperatura ngayon sa bansa sa pagitan ng 21 hanggang 31 degrees Celsius.Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply