Nang-agaw ng raket tinodas

AGAWAN sa iligal na patubig at pailaw ang sinasabing motibo sa pamamaslang sa 31-anyos na lalaki na pinasok sa kanyang bahay at pinagbabaril ng salarin sa Dumpsite sa Brgy. Catmon, Malabon City Miyerkules ng ng umaga, Pebrero 23.

Ang biktima na hindi na umabot nang buhay sa Pagamutang Bayan ng Malabon (PBM) ay nakilalang si Ambrocio Dolfo, nakatira sa naturang lugar.

Agad namang inatasan ni Sr. Supt. Cornelio Barrios ang kanyang mga tauhan para hulihin ang itinuturong salarin na nakilala lamang sa alyas na Ricky na nakatira rin sa  nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni P03 Jerry Dela Torre, ng Station In-vestigation Division (SID), alas-8:00 ng umaga nang barilin ang biktima sa tahanan nito.

Ayon sa salaysay ni Liza Sinubio, 32, live-in partner ng biktima, nanonood ng telebisyon ang kanyang kinakasama nang dumating si Ricky at bigla itong pinagbabaril. Diumano, sinusulot ng biktima ang mga iligal na patubig at pailaw ng suspek sa nasabing lugar na ikinagalit nito. Roger Panizal/Boy San Buenaventura/Merly Iral

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply